kasi madalas din akong nagtatanong
kung bakit may buhay
o bakit tayo nabubuhay
naghahanap din ako ng mga bagay na wala
o nawawala sa aking pakiramdam
nasasaktan ako
kung may nasasaktan
o may masaya
o yung tagumpay sa kanilang pamumuhay
pero walang pagibig.
may gusto akong makita
pero hindi ko makatagpo
at bigla aawit na lang ako sa sukbit na gitara
o magsusulat kaya
ng kung anuanu na lang
hanggang mapagod at makaramdam ng antok.
pero paggising sa umaga
titingala ako
o kaya may hahanapinng pilit sa apat
na sulok ng aking tirahan
hindi ko matatagpuan ang mga sagot.
nakamamatay ng kaluluwa
ang pagiisa
nakakamatay ng pagkatao
ang lahatlahat
ang lahatlahat
na hindi ko kayang banggain
o hanapan ng sagot
sa mga tanong'
na hindi ko din alam
kung ano.
straford, ontario
canada 11/11/2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment