Apatnaputisang taon na ako. Anim na taon doon ay ginugol ko sa ibang bayan. Hindi ito kagustuhan kundi isang paghamon sa sarili. Makakaya ko kayang mabuhay at mabuhay ng tahimik sa ibang bayan? Adbenturistang matatawag ang desisyong ito. Lumikha ng ibatibang kontradiksyon sa sarili at sa lahatlahat na datirati'y simple't walang kumplikasyon.
Isang halimbawa'y nilisan ko ang bayang matatawag kong akin. Mga kaibigang kaya kong ipagmayabang na minahal ako at minahal ko. Pati na yung mga karanasang naging kadluan ko ng lakas at tapang upang harapin ang hamon sa pangingibang-bayan. Mali ba ako?
Kung susundin ko ang pangangailangan tama ako. Dolyar, bagong sasakyan, maalwang tirahan, stableng trabaho at malinis na kapaligiran. Maginhawang pamumuhay. Ngunit kong susundin ko ang tibok ng aking pagkatao't paniniwala: kahirapan, kaapihan, mababang sahod, sinalbaheng kapaligiran, malamyos na musika sa kaluluwa, pagibig na tapat sa panulat, pamilya, kapatid, si Inay, at silang lahat ng aking pagmamahal.
Anim na taong pagkawala. Kumakadlo pa din ako sa bukal ng aking paghahanap sa nawawalang tirahan pauwi sa Ilaya ng aking kabataan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment