nakangiti pa rin ang mga matang yan
kagaya ng dati
parang hindi natinag
sa mga sakit na malulupit
sa mga karanasang mapapait.
ganito nga marahil ang muling pagkikita.
sinusulsi ang nagdaang panahon
binubuo muli ang wasak na mga lunan at tagpuan
at itinatayo ang matitibay na muhon
ng isang panibagong panahon.
kaya't sa malalayong pag-aabot
tinatanaw ko sa mga matang yan
ang sulyap na yaon
na hindi napagod kailanman
sa pagaaruga sa mga supling
sa pagmamahal sa katuwang
sa paggampan bilang ina't maybahay
at sa pagiging tao sa kapwa-tao.
anupaman ang dahilan
ang mga matang iyan
kapag lumuha na'y
nakagigiba
ng dibdib-asero ng isang ama.
stratford, canada
857163
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment