Sunday, November 9, 2008

Hamog

Hamog na namumuo sa dibdib
Ay di luha
Marahil ay kariktang lagas,
Gunitang umibis sa liblib ng puso
Ngunit kaylayo ng ibayo
Hindi malagom ang laot
Hilam ang kawalan
Kahit pasungawsungaw ang lungkot
Halimbawa'y dalawang pusong nagsalikop
Naglayo't naghanapan
O ulilang maya'tmaya'y
Nagyayakap sa isipan.
Ito'y hamog lamang na hihignaw
Sa umaga,
Basbas ng di matalikdang alaala
Sinat ng isang nahahawa
Sa tula ng dalawang
Tinuliro ng pagsnta.

Alam ko.

Buti kaya'y maging tinggang umaangil
Ng pambansa-demokratikong pakikibaka!

No comments: